KUSANG sumuko ang anim na miyembro ng Philipine National Police na sangkot sa pagkamatay ng 17- taong gulang na si Jemboy Baltazar noong Agosto 2, 2023 dahil sa “mistaken identity ” na tinutugis na suspek ng mga otoridad.
Tinukoy ni Criminal Investigation and Detection Group 4-A Regional Field Unit Chief Col Jack Malinao ang mga suspek na sina PEMS Roberto Balais Jr, PSSg Gerry Maliban, PSSg Antonio Bugayong Jr, PSSSg Nikko Pines Esquilon, PCpl Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada, na nakatalaga sa Navotas City Police Station.
Sinabi ni Malinao na boluntaryong sumuko ang mga suspek sa CIDG Quezon PFU, Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon kahapon matapos insyu ang warrant of arrest ni Hon. Pedro T. Dabu Jr., Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 28 ng Navotas City sa kasong murder at wala nirekomendang piyansa.
Matatandaan nangyari ang trahedya noong Agosto 2,2023 nang magsagawa ng operasyon sa nasabing lugar ngunit nagkamali ang mga operatiba sa kanilang tinutugis na si Reynaldo Bolivar o Reynaldo Baltazar .
Pinagbabaril ng mga otoridad si Baltazar at isang kaibigan na paalis sana upang mangisda.
Kaya naman sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na I -evaluate mabuti ang kaso ng Department of Justice (DOJ)at sampahan ng kaukulang kasong murder at hindi homicide ang mga sangkot na pulis.
.