MATAPOS ang anim na taong pagtatago sa mga awtoridad ay agad na naaresto ang isang 55-anyos na most wanted na lalaki dahil sa panggagahasa sa isang Grade 2 student noong 2017 sa bayan ng Taal probinsiya ng Batangas.
Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGen Carlito M Gaces , ang akusado ay kinilalang si Leopoldo Punzalan y Bancoro, may asawa na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Cultihan, Taal Batangas.
Dinakip si Punzalan matapos ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Taal MPS, RIU4A, PIT RID4A-RIT Batangas, 403rd A MC, RMFB 4A, PIU-Batangas at 2nd BPMFC bandang 10:50 ng umaga kahapon ng Agosto 16, 2023 sa San Pascual, Batangas.
Inihain ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 86, Taal Batangas, noong June 14, 2018.
Base sa record ng pulisya, nangyari ang insidente noong Agosto 21, 2017, kung saan hinalay ang biktima na isang Grade 2 at nagtungo sa nasabing pulis stasyon kasama ang kanyang tiyahin upang sampahan ng reklamo ang akusado.
“Akoy nagpapasalamat at pinaparangalan ang ating mga operatiba na walang tigil na nagtatrabaho upang patuloy na tugunan ang aking hamon na linisin ang listahan ng mga Wanted Person sa ating probinsya ganon din sa ating komunidad na siyang patuloy na tugunan ang aking hamon na linisin ang listahan ng mga Wanted Person sa ating probisya.” ayon kay PCol Belmonte.