MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng anim na katao, kabilang ang isang walong-buwang sanggol, sa salpukan ng tatlong sasakyan sa Lopez, Quezon nitong Miyerkules ng madaling .
Patuloy pa inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga pangalan ng mga biktima .
Kabilang sa anim na nasawi n ay ang apat na katao ay – isang mag-asawa at ang kanilang dalawang anak na nasunog hanggang mamatay. Magkakayakap pang mga ito nang marekober sa loob ng tuktuk .
Ayon sa pulisya ang anim sa nasawi ay kabilang sa anim na pasahero ng tuktuk sumiklab nang tamaan ito ng delivery truck.
Sugatan naman ang iba pang mga pasahero ng tuktuk..
Ayon sa imbestigasyon, ang tatlong sasakyan ay naglalakbay sa parehong direksyon nang banggain ng rumaragsang delivery truck ang tuktuk sa Maharlika Highway sa Lopez, Quezon bandang alas 2 ng umaga noong Miyerkules.
Ang tuktuk ay sumalpok sa bus hanggang sa nagliyab .
Sinabi ni Lt. Col. Dandy Aguilar, hepe ng Lopez Municipal Police Station, na apat sa mga biktima ay namatay dead on the spot habang dalawa ay namatay habang ginagamot sa ospital.
Walang naman naiulat na sugatan sa mga pasahero ng bus.
Isang saksi ang nagsabi na huminto ang bus at ang tuktuk dahil sa trapiko dulot ng konstruksyon sa kalsada. Tinamaan ng mabilis na delivery truck ang tuktuk, na kung saan ay na nasalpok nito ang bus sa harap.
Apat sa mga pasahero ng tuktuk ay naipit sa loob ng sasakyan na sumiklab.
Inaresto ng mga pulis ang driver ng delivery truck, na nahaharap sa mga aksyon dahil sa pambabaliwala sa masusing ingat na nagdulot ng multiple homicide at pinsala sa ari-arian.
Sa istasyon ng pulis, sinabi ng driver na nawalan siya ng kontrol sa delivery truck.
.
Top of Form