
UMABOT sa P603.9 milyong pisong halaga ang apektado ng agrikultura sa rehiyon ng Calabarzon matapos ang pananalasa ni bagyong Paeng .
Base sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) , ang bigas, mais ,cassava at iba pang pananim, hayupan at palaisdaan, irigasyon at agrikultura ,imprastraktura ay lubhang naapektuhan .
Ang mga high value crops ay umabot sa P409.6 milyong piso,bigas P118.47 milyon, white corn P22.2milyon,at yellow corn P18.15 milyong halaga.
HAbang sa pangisdaan naman ay umabot sa P7.4milyong psio ,irigasyon P18 milyon,at imprastraktura, P9.4 milyon.
Dagdag pa ng RDRRMC nasa 1,329 na kabahayaan ang naapektuhan kung saan 181 rito ang nasira o nawalan ng tahanan.
Ang Calabarzon ay isa sa apat na rehiyon na isinailalim sa state of calamity matapos ang bagyong Paeng.
Ang deklarasyong ito ay upang mapadali ang pagrescue , at rehabilitasyon ng local na pamahalaan na magamit ang calamity funds.