PATONG-patong na kaso ang kinakaharap ng isang 64-anyos na lolo dahil sa 51 counts use of falsified documents at 54 counts na estafa at kabilang sa Most Wanted Person na Rank No. 1 City Level makaraang arestuhin sa Antipolo Component City Police Station sa F. Antonio Street Brgy. Salapan San Juan City nitong Martes.
Kinilala ang akusado na si Alyas Herminio ay nasakote sa isinagawang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest para sa kabuuang patung-patong na reklamo na kinakaharap ng akusado tulad ng 51 counts of Use of Falsified Documents na may piyansang PHP 154,000.00, 42 counts of Estafa na may piyansang PHP 238,000.00 at violation of PD 1096 o National Building Code na may piyansang PHP 13, 000.00.
Ang akusado ay nasa kustodiya ng Antipolo Custodial Facility para sa dokumentasyon at wastong disposisyon bago iharap sa korteng kinauukulan.
Binigyang diin ni PCol felipe B Maraggun , Provincial Director Rizal PPO na ang ganitong uri ng operasyon ay isa lamang sa patuloy na kampanya ng Rizal PNP upang maidala sa hustisya ang mga nagtatago sa batas. Hangad ng butihing director na magkaroon ang lalawigan ng isang payapa, ligtas at malayo sa kriminalidad.