PITONG most wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Lalawigan ng Rizal nang pagpapatupad ang “Oplan Pagtugis” kahapon, October 3, 2023.
Naaresto sina Alyas Rene at Alyas Fabby, parehong residente ng San Mateo Rizal na kabilang sa Ranked No. 3 Regional Level Most Wanted Persons.
Naaresto sa pangunguna ng CIDG Rizal PFU katuwang ang Taytay MPS, 404 th RMFB PRO 4A at QCPD PSB sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal, dahil sa naisampang kaso na Murder na inisyu ni Hon. Judge Mohammad Aquila A Tamano ng RTC Branch 77 San Mateo, Rizal noong September 22, 2023.
Sa Morong naman naaresto ang Ranked No.10 Most Wanted Persons Provincial Level na si Alyas Darwin, 49 taong gulang na isang construction worker na rsidente ng Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.
Maging si Alyas Tisoy naman ang nasakote sa Baras Rizal, 31 taong gulang na naninirahan sa Brgy. San Juan Baras, Rizal na Ranked No. 4 Most Wanted Person sa Municipal Level dahil din sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.
Sa Cainta naman ay si Alyas Rusel, 38 taong gulang, construction worker, naninirahan sa Brgy San Juan, Cainta, Rizal at kinikilala bilang Most Wanted Person Municipal Level, inaresto dahil sa kasong Attempted Homicide and Theft sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Acting presiding Judge Don Ace Mariano V. Alagar, MTC of Metro Manila, Branch 42, Quezon City, noong January 19, 2027.
Isang wanted na Alyas Jane, 28 anyos ang nasakote sa Antipolo City,, 28 anyos ang naaresto sa Mercury Drug/Watson Tactical Coordinator, at naninirahan sa Brgy. Mayamot, Antipolo City dahil sa paglabag sa PD. 1096 o Construction without building permit sa bisa ng warrant of arrest .
Maging si Alyas Ikeh, 31 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Malaya, Pililla, Rizal ay arestado rin dahil sa naisampang kasong paglabag sa Access Device Regulations Act of 1998 ng gamitin nito ang credit card na hindi niya pag-aari.
Ang matagumpay na pagkakaaresto ng mga ito ay sa pamamagitan ng “OPLAN PABILI NGA PO” scheme na isa lamang sa mga best practices na ipinatutupad Rizal Police Provincial Office na may layuning mapabilis ang paglutas ng mga krimen sa probinsya.
Ang Rizal Police Provincial Office ay masusing naglalaan ng oras upang tiyakin ang mabilis na pagkamit ng katarungan para sa mga biktima ng krimen. “Hindi namin hahayaan na gawing taguan ng mga kriminal ang probinsya ng Rizal”, ayon kay Rizal Provincial director PCol Rainerio de Chavez.