PUMALO sa 72 bakasyonista ang pumanaw nitong nagdaang holiday makaraang malunod sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fernando, nanawagan ang kapulisan sa publiko na mas maging alisto sa tuwing pupunta sa malayong lugar para magbakasyon, magpalamig at magrelax sa gitna ng mainit na panahon.
“To all parents, please do not leave your children unattended and avoid drinking liquor while swimming to avoid cases of drowning,” ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin.
Bukod sa mga namatay sa pagkalunod, nakapagtala rin ang PNP ng 11 aksidente sa kalsada kung saan apat na katao ang binawian ng buhay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Nakagawian na ng mga Pilipino bumiyahe sa malayong probinsya para magbakasyon at magtampisaw sa tuwing sasapit ang tag-init.