720K manggagawa sa Calabarzon makakatanggap ng dagdag sahod simula sa Setyembre 24
Ni Len Dancel

MAKIKINABANG ang nasa 720,000 minimum wage earners sa rehiyon ng Calabarzon matapos aprubahan ng wage board ang dagdag na minimum wages sa pribadong sector.
Sa anunsiyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A na simula sa Setyembre 24, 2023 ang mga manggagawa ay makakatanggap ng karagdagang P35 hanggang P50 sa kanilang arawang sahod
Sa ilalim ng Wage Order No. IVA-20 , ang minimum rates sa Calabarzon sa kasalukuyan ay nasa P385 at P520 sa non-agriculture sector, P385 hanggang P479 naman sa agriculture sector , at P385 sa mga retail at service establishments na may higit sa 10 manggagawa.
Sinabi ni Gener Rivera, Labor and Employment Officer III of RTWPB IV-A “For example, if you used to earn a minimum wage rate of P470, we added P50 in areas that are already developed. That amounts to a 10.63% increase. The others would be rounded up to nine to 11%,”.
Ang bagong wage order ay base sa magkahiwalay na konsultasyon sa mga manggagawa at kompanya,na siyang kinokonsidera dahil sa inflation rate , paghina ng piso , pagtaas ng mga pangunahing bilihin at ng kompanya na nagsulong sa pagtaas ng sahod.
Kabilang sa minimum wage workers sa pribadong sektor sa mga industriya kabilang ang regular at mga kontraktwal workers.