Pitongput-limang draybers ang nahuli ng nitong Martes ng gabi ng pinagsanib na pwersa ng Land Transportation Office-National Capital Region-West at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa paglabag sa batas trapiko sa ibat-ibang langsangan sa kalakhang Maynila.
Sa isang After Activity Report na sinumite ni LTO-NCR-West Director Roque “Rox” Verzosa III at Operations Chief Hanzley Lim, kay LTO Assistant Secretary Atty. Jose Arturo M. Tugade, ang operasyon ay isinagawa mula alas nuebe ng gabi hanggang alas dose ng madaling araw bilang parte ng “Operation Kilo.”
Ayon sa kanila, may 26 na draybers ang hinuli dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4136, o ang “Land Transportation and Traffic Code.” Sa mga nahuli, tatlo ay nahuli sa Potrero, Malabon City; lima sa Malaria, Caloocan City; at 10 sa A.H. Lacson; isa sa 29th Street, Manila; apat sa San Marcelino, Manila; isa sa Roxas Boulevard, Pasay City; at dalawa sa Tunasan, Muntinlupa City.
May kabuuan 29 na draybers naman ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act 10054, o ang “Motorcycle Helmet Act of 2009.” Sa mga nahul, 18 ay mula sa Potrero, Malabon City; dalawa sa Malaria, Caloocan City; apat sa A. H. Lacson, Manila; tatlo sa San Marcelino, Manila; at dalawa sa Tunasan, Muntinlupa City.
Sa kabilang banda, may kabuuan naman na 20 draybers ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8750, o ang “Seat Belt Use Act of 1999.” Sa mga nahuli, isa ay mula sa Potrero, Malabon City; 10 sa Malaria, Caloocan City; dalawa sa Roxas Boulevard, Pasay City; at pito mula sa Tunasan, Muntinlupa City.
Sa anti-overloading, sinabi ni Verzosa na may kabuuang 142 na trak ang pinara at tinimbang. Sa numero, napag alaman na may 54 ang overloaded samantalang may 88 ang nakapasa sa allowable gross vehicle weight (GVW) limit para sa 62.38 pass/fail ratio.
“This kind of operation will be sustained to make our roads safe, ” ani Verzosa.
Ayon pa sa LTO-NCR-West director, may kabuuang 218 na tauhan (150 mula sa LTO and 68 mula sa DPWH) ang nakibahagi sa operasyon.
Sa nasabing bilang, 31 tauhan mula sa LTO at walo naman sa DPWH ang ipinakalat sa kahabaan ng McArthur Highway (Potrero McArthur Northbound) sa Potrero, Malabon; pitong LTO at pitong DPWH personnel sa kahabaan ng San Jose-Nova Road, Qurino Highway, sa Malaria, Caloocan City; 10 LTO at walong DPWH personnel sa kahabaan ng P. Guevarra at kanto ng A.H. Lacson sa Sampaloc, Manila; 23 LTO at 10 DPWH personnel sa 25th Street (katabi ng Manila Hotel) sa Maynila; at 17 LTO at walong DPWH personnel ang itinalaga sa kahabaan ng General Luna St. San Marcelino (sa pagitan ng Paco Park at EAC) sa Maynila.
Sa karagdagan, may 29 LTO at 10 DPWH personnel ang ipinakalat bago mag Coastal Road (Southbound) sa Roxas Blvd., Pasay City; siyam na LTO at 10 DPWH personnel sa kahabaan ng Zapote Quirino Avenue sa Las Piñas City (katabi ng Shell Gasoline Station); at 24 LTO at siyam na DPWH personnel sa kahabaan ng Daang Maharlika, Tunasan (sa harap ng Pepsi Plant) malapit sa LTO, Muntinlupa City.
“We will have more of these type of operations especially next year when the agency embarks on a vigorous campaign against violators. There would be dedicated programs and plans along this line and we will deploy dedicated enforcement teams and other personnel. Road safety is our primary concern,” pahayag ni Verzosa.