REHISTRADO na ang nasa 80 milyong Pilipino o 87.5 porsyentong populasyon ng bansa na mula sa edadd 5 pataas ang may Philippine Identification System (PhilSys) ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) .
Sinabi ng PSA ngayong araw ng Martes, na simula nitong Setyembre 1 taong kasalukuyan ay nasa 80.54 milyong Pilipino na ang nakapagpatala sa kanilang ahensya,
Sa isang pahayag, “Within this group, 78.12 million individuals have been issued a unique PhilSys Number (PSN), ensuring their distinct identity through the verification of their demographic and biometric information,” ayon pa sa PSA .
“The issuance of PhilID and ePhilID is meticulously managed by the PSA, with a rigorous Quality Assurance process and stringent protocols in place. This ensures that every card accurately reflects an individual’s valid demographic and biometric data, further enhancing the system’s integrity,” dagdag pa ng PSA.
Sa kasalukuyan naman ay naipadala na ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang nasa 38.51 milyong Philippine IDs habang ang PSA naman ay nakapaglabas na ng 40.61 million electronic PhilIDs (ePhilIDs.)
Hinikayat din naman ng PSA na gamitin ang inisyung PhilIDs and ePhilIDs para sa mga pinansiyal na transaksyon.