Kampo Heneral Paciano Rizal – NAGRESULTA ng matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad at iligal na droga ng Laguna Police na nagresulta ng kabuuang 826 katao ang naaresto sa iba’t ibang paglabag sa batas.
Nakumpiska ang Ph13,714,769.40 halaga ng iligal na droga ngayong Nobyembre bilang bahagi ng kampanya ng pulisya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad sa lalawigan ng Laguna.
Batay sa ulat ng Provincial Operations and Management Unit (POMU) at Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) ng Laguna PPO, 264 ay arestado sa anti-illegal drug operations, 221 naman ay arestado sa operations against wanted persons, 314 naman ay naaresto sa anti-illegal gambling operations, at 27 ay naaresto sa loose firearms.
Dagdag pa rito sa anti-illegal drug operations, nakumpiska ang 1,982.21 gramo ng shabu at 33.97 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na PhP13,714,769.40.
Sa operations against wanted persons, 15 ay most wanted persons sa regional level, 24 ay Provincial level, 27 ay City/Municipal level, at 155 ay other wanted persons na mga naarestado sab isa ng warrants of arrest. 54 sa mga ito ay kinakaharap na kaso ng sexual offenses, 28 ay paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), 3 ay paglabag sa Anti-Child Abuse Laaw (RA 7610), 22 ay qualified theft at theft, 20 ay illegal gambling, 3 ay 12 ay physical injuries, 4 ay murder, 1 attempted murder, 1 homicide, 2 ay frustrated homicide, at 6 ay attempted homicide.
Sa anti-illegal gambling operations naman, 139 ay arestado sa illegal number games at 175 ay arestado sa other forms of illegal gambling.
Ayon kay PCol Depositar , “Ang tagumpay na ito ay hindi lamang resulta ng aming masusing pagtutok sa kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga kundi pati na rin ng mahigpit na koordinasyon at suporta mula sa ating mga komunidad. Patuloy kaming magtitiwala at magbibigay ng masigasig na serbisyo para sa inyong kaligtasan at kaayusan. Ang ating pagkilos ay patuloy na magiging mapagmahal sa batas at patas sa lahat, at umaasa kami na patuloy niyo kaming maging katuwang sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa buong lalawigan ng Laguna. Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta.”