LUBOG pa rin sa baha ang ilang barangay sa lalawigan ng Laguna matapos manalasa ang bagyo Paeng , dalawang Linggo na ang nakakaraan.
Nasa 89 barangay pa rin ang baha na aabot hanggang sa baywang ang taas nito.
Nakapaligid kasi ang Laguna de Bay sa San Pedro City, Biñan City, Sta. Rosa City, Calamba City, mga bayan ng Bay, Alaminos, Victoria, Rizal, Nagcarlan, Calauan, Pila, Sta. Cruz, Lumban, Mabitac, Famy at Paete.
Kaya naman nasa 3,782 pamilya o 15,255 individuals ang nanantili sa mga evacuation centers.
Sa Sitio Masagana at Sitio Mapaya sa barangay Pansol ay nasa 65 na pamilya ang nasa evacuation centers pa rin , dahil sa aabot sa bewang ang baha ang kanilang kabahayan.
Tantiya ng mga taga rito ay aabutin pa ng 2 buwan bago humupa ang baha tulad noong taong 2020 dahil sa pagbabaw ng Laguna de Bay kaya matagal bago humupa ang tubig .
Kaya naman patuloy ang pamamahagi ng pamahalaang panglalawigan ng mga relief goods sa mga evacuees rito.