
INI-EMBESTIGAHAN na ang siyam police na inalis sa pwesto makaraang lumabas ang kontrobersyal na anti-illegal drugs operation sa Imus , Cavite nitong Lunes.
Naging viral sa social media ang police operation sa Imus, Cavite nitong Agosto 2, 2023 kung saan makikita ang caption na “Bahay ng isang retiradong propesora, niransak, ninakawan ng 8 Pulis Imus.”
Ayon kay Police Regional Office-Calabarzon director BGen. Carlito Gaces, lehitimo ang nangyaring anti-drugs operation .
“So all those personnel involved in that operation were administratively relieved and re assigned at PHAU Cavite PPO and all their government issuances were recalled by the Supply PNCO pending investigation of the incident.”
Sinabi pa ni Gaces na posibleng kasuhan pa ang mga ito ng kasong administratibo at criminal ang mga sangkot na pulis kung mapatunayan ang kapabayaan at mga paglabag sa isinagawang operasyon.
“We will never tolerate this and let them answer and face the consequences of their actions. I will dismiss police officers who will be found liable for illegal activities like what we have seen on the video,” said Gaces.
Matatandaang noong Agosto 2,2023 ay nagsagawa ang mga otoridad ng Drug Enforcement Unit of the Imus City Police ng anti-illegal drug operation sa Barangay Alapan 1-A ,Imus ,Cavite na hindi unipormado.
Nagresulta ang operasyon nang maaresto ang isang street value individual at kasama nito.
Narekober sa mga suspek ang anim na sachets na hinihinalang shabu na may bigat na 20 gramo at tinatayang P136,000, isang itim na pouch at isang P500 na ginamit sa buy-bust.
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag na ang siyam na pulis na nag-operate sa insidente.
Ayon pa kay Gaces, si Col Christopher Olazo, provincial director of Cavite PPO, na ang mga pulis sa kanilang mga pwesto at pansamantalang kumpiskado rin ang kanilang service firearms habang iniimbestigahan ang mga ito.