HIGIT walong bago ang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nasa 50 porsyento na o 90 milliong official ballots na ang naimprenta ng National Printing Office (NPO) ayon sa Commission on elections (Comelec).
Sa talaan ng NPO, umabot na sa bilang na 45,373,628 ballots o may katumbas na kabuuang 90,613,426 ballots ang natapos na.
Kabilang dito ang 32,975,599 ballots na bahagi ng 66,973,949 ballots ay para sa mga barangay.
Ayon pa sa Commission na nasa 12,398,029 na ang naimprenta na bahagi ng 23,639,477 ballots na para naman sa SK polls.
Samantala, kabilang naman sa mga ballots ang naimprenta ay para sa mga rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Caraga, Soccsksargen, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Eastern Visayas, Central Visayas, Western Visayas at Batanes province sa Cagayan Valley.
Isusunod na rin ang para sa Bicol Region, Mimaropa, Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, National Capital Region, at ibang bahagi ng Cagayan Valley.