.Arestado ang isang lalaki sa entrapment operation dahil sa pagbabantang ipapakalat umano ang masesdelang larawan ng kanyang ex-GF kapag hindi sumama ito sa Summit Hotel sa Naga City.
Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamong isinampa laban sa suspek na kanya umanong dating kasintahan dahil sa pagpilit at pagbabanta sa kanya na ipakakalat umano ang mga hubad na litrato sa social media at internet kung hindi siya susunod sa kanyang mga hinihingi.
Dahil sa takot ng pagbabanta humingi ng tulong ang nagrereklamo sa NBI-NADO.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga operatiba ng NADO at ng mapatunayan ay agad na nagplano ng isang entrapment operation upang mahuli ang subject habang ginagawa ang krimen.
Base sa nagrereklamong babae ay inutusan siya ng dating karelasyon na mag check-in sa Summit Hotel Naga,.
Ang mga operatiba naman ay pumwesto sa lobby ng hotel habang inaantay ang suspek at tumuloy sa kwarto ng babaeng biktima.
Huli sa akto ang suspek habang tinatakot at pinipilit ang babae kaya naman agad itong inaresto ng mga operatiba.
Agad siyang inaresto, ipinaalam ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon, at dinala sa Prosecutor’s Office of Naga City upang samapahan ng kasong Grave Coercion at 2 counts na Violence Against Women and Children
INARESTO ng NBI Naga District Office (NADO) ang isang indibidwal sa isang entrapment operation na isinagawa sa Summit Hotel Naga dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9262.