
MAKARAAN ang tatlong taong pagdinig sa korte, hinatulan ng guilty ng Metropolitan trial Court National Judicial Capital Region Branch 24 nitong Setyembre 8, 2023 ang nagmamaya-ari ng Real Mart matapos matapos hindi ideneklara ang 2,5000 na kahon ng carrots noong June 26,2020.
Agad na sinampahan ng criminal complaint ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang may-ari ng Real Mart na si Divina Bisco Aguilar matapos matuklasang hindi tama ang laman ng kanyang kargamento.
Sinabi nito sa BOC na frozen pastry buns ang laman ng shipment kundi carrots mula sa bansang Singapore ngunit nakita ito sa physical examination .
Nasentesyahan ng 3 taong pagkakabilanggo at 1 araw ang may-ari dahil sa kasong paglabag sa Section 1401 in relation to Sections 102 and 1400 of Republic Act No. 10863, o mas kilalang Customs Modernization and Tariff Act.