LIBRENG sapatos ang personal na hinatid ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan kasama sina Vice Mayor Katherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa Sta. Anastacia-San Rafael at San Pedro National High School ditto sa Sto. Tomas, Batangas nitong ika-29 ng Setyembre 2023.
Ang aksyon bilis rubber shoes na pinangalanang “AJAM1 dunk low” ay bahagi ng programa na pagsuporta ng pamahalaang lungsod para sa komportable at maayos na paglalakbay ng mga mag-aaral patungo sa kanilang magandang kinabukasan.
Layunin din nito ang pagandahin ang pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral at bigyan sila ng kapangyarihan na tumuon sa kanilang pag-aaral nang walang pagkagambala at mayroong maayos na sapin sa paa.
Sa kanyang mensahe hinikayat ni Mayor AJAm ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti at patuloy na mahalin ang kanilang mga magulang at guro na nagsusumikap na suportahan sila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Ang libreng sapatos ay programa ng local na pamahalaan ng Sto. Tomas, Batangas na ang adhikain ay makapagbigay inspirasyon para sa kabataang Tomasino. Bago ang pamimigay ng libreng sapatos nauna nang namahagi ng mga libreng uniforms para sa elementarya at gamit eskwela na may kasamang activity books para sa mga daycare pupils ang naisagawa.