
PORMAL ng nanumpa ang mga kandidato sa Akay National Political Party mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa Palacios Events Place, Barangay San Miguel , San Pablo City nitong Huwebes, Mayo 9, 2024 .
Ang Akay National Party o ang Katipunan ng pag-angat at pagyabong ng bayan ay “ Anak ng Laguna”
Inaprubahan ng Comelec ngayong taon ang nasabing Partido na maaaring mag-nominate ng mga kandidato sa iba’t- ibang posisyon sa nasyunal kabilang ang Presidente at Bise-Presidente ng bansa. Maging sa regional at lokal na posisyon ay maaari din magpatakbo ang Partido .
Bahagi ng adbokasiya ng Partido ay akayin ang mga pinaka nangangailangang sektor ng ating bansa.
Kabilang na dito ang mga PWD , Solo Parents, Senior Citizens ,riders, guro , kawani ng barangay at pamahalaan , kabataan , kalalakihan , LGBT , Muslim , Kristyano , magsasaka,mangingisda, transportasyon , turismo at iba pa.
Bitbit ang prinsipyo para sa isang matapat ,ma-puso at paninindigan sa katotohonan para sa tao at sa bayan.
Tumayong Pangulo ng Partido ay si Vice Mayor Tony Aurelio ng Rizal, Laguna habang si dating Congressman Sol Aragones naman ang chairman at Secretary General ang dating reporter na si Doland Castro.
Ilan sa mga adbokasiya ng Partido ang pagtatayo ng tertiary Hospital sa lalawigan ng Laguna at tumulong sa iba’t ibang probinsiya sa larangan ng kalusugan.
Prioridad din ang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship , hindi lamang sa matataas ang grado maging sa may mababang marka basta gusting mag-aral.
Mahalaga din ang turismo sa Partido dahil sa paniniwalang kapag may turismo ay magkakaroon ng maraming hanap-buhay at susuportahan ang local na produkto at mga negosyo.
Ayon sa Partido, mahaba pa ang lalakbayin ng Akay National Party basta sam-sama sapag-akay ng lahat ng mga pangarap para sa bayan at magtagumpay.