
PINAPAYAGAN na ng ating bansa na manatili ng hanggang 14 na araw ang mga turistang mula sa bansang Hongkong at Macau ,ayon sa Bureau of Immigration.
Maaari ring manatili sa bansa ng visa-free hanggang 59 -araw ang mga manggaling sa bansang Israel at Brazil.
Ang dalawang bansang ito at tulad ng kanilang alok sa kanilang bansa sa ating mga Pilipino na maaring manatili ng 59-araw.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ,ang polsiyang ito ay ang resolusyon ay ipinasa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) nitong Biyernes.
“This is a welcome development which expands the list of those who may enter the country visa-free,” ani Morente.
“Hopefully this attracts more foreign tourists to visit the Philippines in the next few weeks, in time for the summer season,” dagdag pa nito.
Base sa datos ng BI noong 2019,higit sa 5,000 ang nagmula Hong Kong habang 3,000 ang mula Macau ang mga pumasok sa ating bansa.
Nasa 25,000 na Israelis at 13,000 Brazilians naman ang bumisita sa Pilipinas.