
San Nicolas, Pangasinan – Patuloy pa rin ang gingawang imbestigaston ng Bureau of Fire Protection o BFP Pangasinan sa pinagmulan ng forest fire sa Camp 4 Sta. Maria East na bahagi ng Barangay Malico, sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Ayon sa report ni SInsp. Gian Gloreine Galano, BFP Public Information Officer, ang sunog ay naiulat pasado alas-10:30 ng gabi ng Pebrero 4 at nasundan pa ito ng isa pang sunog pasado alas-8 ng umaga ng Pebrero 5.
Dagdag pa ni Galano, ang naturang sunog ay umabot lamang sa 1st alarm at naideklarang fire-out bago magtanghalian ng sumunod na araw.
“Patuloy pa rin ang BFP sa pagmomonitor sa lugar upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng sunog.”
“Isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng pag-apula ng sunog ay ang mismong lokasyon nito dahil ito ay isang terain at nahirapang makapunta doon ang air tanker upang mabilis na maapula ang sunog,” paliwanag ni Galano.
Katuwang naman ng BFP ang mga miyembro ng Bantay Gubat na gumamit ng knap-sack sprayers.
Sa ngayon, inaalam ang kabuuang danyos at lawak ng pinsala ng sunog sa nabanggit na lugar.Ang Brgy. Malico ang tinaguriang summer capital ng Pangasinan dahil sa lamigng simoy ng hangin sa lugar at sa magagandang tanawin na makikita sa viewpoint nito.