Photo courtesy MIO Bauan
PINANGUNAHAN NI Bauan Mayor Ryanh Dolor ang ginanap na pagdiriwang kamakailan ng taunang “Balik Kasaysayan” sa Dambana ng mga Bayani sa Plaza Orense, Bauan, Batangas.
Kasama niya sa tagumpay na paggunita sa okasyon si Vice Mayor Ronald E, Cruzat, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, Bokal Wilson T. Rivera, at mga kawani ng lokal na pamahalaan at Department of Education.
Tampok sa pagdiriwang ang pag-aalay ng bulaklak sa Dambana ng mga Bayani sa Plaza Orense at ang paggagawad ng parangal kay Capt. Maximo Dalawampu na tumayong panauhing pandangal.
Si Dalawampu ay 2009 Bagong Bayani awardee.
Ang Bagong Bayani Award ay ipinagkakaloob sa mga natatanging overseas Filipino worker na nagpamalas ng kabutihan sa kapwa at nagbigay karangalan bilang isang Pilipino.
Si Dalawampu ay pinuri sa pagliligtas ng mga tao mula sa isang aksidente sa karagatan.
Isang posthumous award naman ang tinanggap ni dating Sangguniang Bayan member Blandine Rosales para sa kanyang yumaong ama na si dating Bauan Mayor Policarpio Boongalong .
Ang Balik Kasaysayan ay paggunita sa kabayanihan at kadakilaan ng bawat Bauangeno. Dito rin kinikilala ang mga piling mamamayan ng bayan na nagpamalas ng kahusayan sa kani-kanilang larangan.