ANG Batangas Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte, ay patuloy ang pagmomonitor ukol sa sitwasyon ng Bulkang Taal.
Ayon sa pinakabagong bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng Department of Science and Technology noong ika-5 ng umaga ng Setyembre 22, 2023, nananatiling Alert Level 1 ang status ng bulkan bagaman napaulat na noong Setyembre 21, 2023 ay naglabas ito ng makapal na volcanic smog (vog).
Kaugnay naman ng Alert Level 1 Status ng bulkan, patuloy na pinagbabawal ang pagpasok at manirahan sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila Fissures. Ang mga police stations na nakakasakop sa paligid ng bulkan ay mas pinaigting pa ang pagpapatrolya sa boundaries ng kanilang nasasakupan upang masiguro na walang makakalusot sa Lawa ng Taal papunta sa mismong Volcano Island na tinaguriang “No man’s Land”. Kaugnay ditto, 288 na mga eskwelahan sa buong probinsya ang nagkansela na ng kani-kanilang mga klase para sa kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral
Sinigurado naman ni PCol Belmonte na handa ang kapulisan sa anumang posibleng mangyari alinsunod sa nakalatag na Contigency Plan sakaling pumutok ang Bulkang Taal. Samantala, may nakatalagang miyembro ng kapulisan mula sa labing-apat na stasyong nakapalibot sa bulkan ang nakastandby bilang Search, Rescue, and Retrieval Team na handang rumesponde sakaling may kailangang ilikas. Ang mga Search and Rescue equipments ay inihahanda na rin ng mga nasabing stasyon.