May naririnig kaming mga balita na hindi daw fair ang pagpili ng mga honorees sa taunang FDCP (Film Development Council of The Philippines) Film Ambassadors Night.
Yong mga baguhan o di gaanong baguhang direktor at aktor na hindi nagustuhan ng Secretariat ng FDCP ay walang puwang na mabibigyan ng parangal sa Film Ambassadors Night.
Kahit na magsumite pa eto ng mga pruweba sa pagkapanalo nila, hindi pa rin pinapansin ng ahensiya ni Liza Dino. Taon taon binabago daw ang mga criteria nila sa pagpili.
Huling taon na nila ito kung hindi sila papalitan ng bagong administrasyon pagkatapos ng eleksyon. Kung totoo man itong mga balita, sana maging patas sila sa lahat ,batikan man o baguhan.
Kung ang mga ito ay nagbigay ng karangalan para sa ating bansa sana parangalan din nila ang mga ito. Sana walang personalan ang pagpili ng dapat parangalan. Dapat objective hindi subjective.