
NAGING matagumpay ang resupply mission ng BRP Sierra Madre (LST-57) sa Ayungin Shoal ngayong araw ng Martes , ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at the Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, na siya chair ng NTF-WPS , pinupuri nito ang “unfailing valor, determinasyon , at professionalism” na ipinakita ng AFP at PCG personnel.
“The Filipino people owe them a debt of gratitude for their commitment to place their lives on the line daily to defend our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction throughout the expanse of the WPS,” dagdag pa ni Ano.
Sinabi pa ng NTF-WPS na magkakaroon ng rotation at resupply (RoRe) mission na magdadala ng ilang pang supplies .
Bago pa man ang matagumpay na misyon, namataan ng Estados Unidos sa tulong ng automatic identification system (AIS) ang anila’y “close encounter” sa pagitan ng sasakyang-dagat ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga dambuhalang barko ng China Coast Guard (CCG) sa gitna ng makapigil hiningang resupply mission na makailang ulit nang hinarang ng mga Tsino sa karagatang pasok sa 2q00-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
Partikular na tinukoy ng Estados Unidos ang insidente kung saan nasipat ang apat ng CCG vessels na nakaabang sa pagdating ng BRP Sindangan at BRP Cabra sa bunganganga ng Ayungin Shoal.