IPINAG-UTOS na ng Malacanang na suspindehin ng 90 araw si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos maiulat ang pagkamatay ng isang bilanggo na inuugnay at kasabwat sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Sa isang press briefing, sinabi Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ipinag-utos ni President Ferdinand R. Marcos na suspindihin si Bantag habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pagkamatay naman ng middleman na si Crisanto Villamor Jr., 42 anyos na siyang itinuturo ni self confessed gunman na si Joel Escorial na nag-utos upang patayin si Mabasa.
Pumalit bilang Bucor chief si Gregorio Catapang Jr. na dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines 2014-2015 .
Matatandaang si Mabasa ay pinagbabaril ng gunman sa labas ng BF Resort Village sa Las Piñas City noong October 3.
Ayon pa kay Remulla ang suspension ni Bantag ay upang bigyan ng daan ang “fair and impartial investigation” ni Villamor na may kasong murder, attempted murder at paglabag sa election gun ban.