NAGBANTANG hahabulin ng gobyerno ang mga tinawag na “bukbok” ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang mga mapagsamantalang negosyanteng nagmamanipula sa presyo ng bigas .
Sinabi ito ni Pangulong Marcos nang mamigay siya ng bigas sa Maynila na tila “bukbok” ang mga hoarders ng bigas na siyang sumisira sa balanse ng suplay sa presyo ng bigas na nagpapahirap sa taong bayan.
Nagbabala pa ang pangulo na hindi titigil ang gobyerno sa paghahabol sa mga ganid na negosyanteng ng bigas na smuggler at hoarder.
Samantala, hindi naman sinangayunan ni PBBM ang mungkahi ng NEDA at Department of Finance na tapyasan ang taripa sa imported na bigas.
Dahil sa hindi umano napapanahon ang panukala dahil sa inaaasahan pa na bababa ang presyo ng bigas sa world market.
Ayon pa sa pangulo na karaniwang bumababa ang taripas kapag matatag ang presyo sa pandaigdigang pamilihan.