INILAGAY na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang bulkang Taal dahil sa pagbaba ng mga aktibidades nito.
Naitala na lamang noong ika 26 ng Marso ang ang phreatomagmatic eruption sa Main Crater ang 6 na mahihinang phreatomagmatic bursts .
Sa nakalipas na dalawang linggo , kinabibilangan ng pagbaba ng bilang ng volcanic earthquakes, paghina ng pagsingaw ng volcanic gas, at marahang pag-impis ng bulkan.
Kabilang dito ang 26 volcanic tremors, 59 na low frequency volcanic earthquakes at 1 volcanic tectonic earthquake kung saan naganap sa loob ng 7 kilometrong lalim mula sa main crater at Taal Volcano Island (TVI) .
Bumaba na rin ang sulfur dioxide (SO2) flux nitong Abril 3 2022 na may sukat na 240 tonelada kada araw at mas lalong bumaba nitong Abril 8 na umabot sa 103 tonelada kada araw .
Umimpis rin ang pagsingaw sa Taal Caldera ng pressure source sa TVI sa gawing Silangan na may 11 sentimetro sa Timog- Silangang bahagi.
Sa nakalipas na linggo, madalang na ang pag-usok dahil sa pagbaba ng magmatic degassing.
Paalala ng ng DOST-PHIVOLCS , bagamat binaba na ang alert level hindi nangangahulugang tuluyan nang naglaho ang banta ng muling pagsabog.
Patuloy pa rin ang pagmonitor sa bulkan kaya kinakailangan maging handa pa rin sa paglikas ang ga residente kung kinakailangan.