MATAAS na asupre ang ibinubuga ng bulkang Taal nitong mga nakalipas na araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Mas lumakas ang lumalabas na degassing sa main crater ng bulkan kung saan nakita ito kahapon ng hatinggabi .
Tumataas din ang gas emission na volcanic sulfur dioxide (SO2) nito na nagsimulang tumaas noong pang March 6.
Umaabot naman sa 15,900 tons per day ang naitala simula noong ika-9 Marso.
Habang naitala rin ang apat na volcanic tremors na tumagal mula dalawa hanggang walong minuto.
Nakataas pa rin sa alert level 2 ang bulkang Taal at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.
Maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft pinapayuhang iwasan muna ang tuktok nito dahil maaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions,volcanic earthquakes at pagbuga ng mga nakalalasong kemikal.