KINILALA ang lungsod ng Calamba sa Laguna bilang pinaka na hangin sa buong Pilipinas at ika-anim na pinakamalinis na lungsod sa buong rehiyon ng Timog-Silangang Asya, sa aspeto ng kalidad ng hangin batay ito sa 2023 IQAir World Air Quality Report.
Ang ulat ay mulasa pagsusuri ng kalidad ng hangin ng PM2.5 mula sa 7,812 lungsod sa buong mundo, at 357 regional na lungsod sa Timog-Silangang Asya.
Itinuturing na pinakamapanganib sa lahat ng polusyon sa hangin dahil sa maliit nitong sukat, maaari itong pumasok sa ating respiratory system na nagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao.
Ayon pa sa pag-aaral, nasa ika-anim na puwesto sa Timog-Silangang Asya at pinakamalinis sa bansa ang Calamba, na may average na 8.2 μg/m3 ng PM2.5.
Nasa ikasiyam sa listahan ang Carmona, Cavite, na may 8.9 μg/m3, habang nasa ika-labing-isang puwesto ang Balanga, Bataan na may 9.2 μg/m3.