ISASARA sa mga motorista tuwing Linggo ang isang bahagi ng Roxas Boulevard simula Mayo 26, upang maging malaya at ligtas ang sinomang nagnanais na mag ehersisyo.
Pinirmahan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ng Ordinance No. 9047, o ang Move Manila program, na ang kabilang bahagi ng Roxas Boulevard na mapalaganap ang malusog na pamumuhay tulad ng pagjo-jogging, paglalakad, pag-eehersisyo at pagbibisikleta.
Tiniyak rin ng alkalde na ligtas sa anumang panganib ang kalsada at bay walk at malinis ang kalsada sa araw ng car-free day sa naturang lugar.
Kaya naman inaaanyayahan ang mga residente ng Maynila at iba pang bahagi ng National Capital Region ay maaaring mag-ehersisyo kasama ang kanilang pamilya, kabilang ang mga bata, sa bahagi ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Circle hanggang Quirino Avenue mula 5 am hanggang 9 am.