Photo by PCG
BINOMBA ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang mga sasakyang pang dagat ng Pilipinas na papuntang Ayungin Shoal nitong Sabado.
Magdadala sana ang coast guard sa BRP Sierra Madre ng mga pagkain, inumin at krudo para sa mga nakatalagang tropa ng militar roon.
Kinokondena ito ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines dahil sa lubhang mapanganib ito para sa mga sakay na crew ng vessel.
Nilalabag din nito ang International law na 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), maging ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at ang 2016 Arbitral Award.
Sa ngayon ay inaalam pa ng panig ng Chinese embassy kaugnay sa pangyayari.