
PATULOY ang paalala ng Department of Health na sundin ang itinakdang protocols upang labanan ang Covid-19 .
Dahil sa nasa 291 na pasyente ang malubha at kritikal ang naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19 (as of Sept. 3, 2023).
Umabot naman sa 1,542 ICU beds ang okupado para sa mga pasyenteng may COVID-19, 166 (10.8%) .
Nasa 1,982 (13.9%) ng 14,307 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa ngayon ay may 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3, 780 na bagong kaso ang naitala sa bansa.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 111, mas mababa ng 3 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 21 hanggang 27.
Sa mga bagong kaso, 10 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 5 na pumanaw kung saan walang naganap noong Agosto 21 hanggang Setyembre 3.