November 29, 2023

Curfew sa Cavite sinimulan na

SINIMULAN nang ipatupad ang curfew sa lalawigan ng Cavite, isang linggo bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong buwan. 

Batay sa Provincial Ordinance No. 420-2023, simula Oktubre 19 ay ipapatupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga sa buong lalawigan. Layon nitong masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko kasabay ng nalalapit na eleksyon. 

Hindi naman sakop ng nasabing ordinansa ang mga election officer at personnel habang ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin kaugnay sa halalan. Exempted rin dito ang mga biyahero galing at patungo sa trabaho, at mga indibidwal na mayroong permiso mula sa kanilang magulang o guardian. 

Papatawan naman ng multa ang mga lalabag sa nasabing ordinansa: P2,000 para sa first offense, P3,000 para sa second offense at, P5,000 multa o pagkakakulong ng anim (6) na buwan para sa third offense o higit pa. | via Office of the Sangguniang Panlalawigan – Cavite