APRUBADO na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hiling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. ang rate increase na hiniling ng dalawang higanteng water concessionaire.
Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, pasado na at naprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kompanya na magsisimulang ipatutupad mula 2023 hanggang 2027.
Ang rate rebasing ay isang proseso na isinasagawa tuwing ikalimang taon para pag-aralan ang ng singil sa water and sewerage services na kailangang mabawi ng water concessionaires.
Mahigit walong piso ang hirit ng Manila Water ng taas-singil na per cubic meter simula sa 2023,
P5 per cubic meter sa 2024, P3.25 per cubic meter sa 2025, P1.91 hanggang P3.00 per cubic meter sa 2026, at sa pagitan ng P1.05 at P1.08 per cubic meter sa 2027.
Samantala, humingi naman ang Maynilad ng P3.29 per cubic meter na water rate adjustment simula sa Enero 2023.
Sa mga susunod na taon, hiling naman ng Maynilad ang P6.26 increase sa 2024, P2.12 sa 2025, at P0.84 hanggang higit P1 mula 2026 hanggang 2027.
Ayon sa dalawang water concessionaire, ilalaan umano sa kanilang mga multi-bilyong operating expenses at expansion projects ang naturang rate increase.
Ayon kay Ty, inaprubahan ng NWSS ang naturang kahilingan matapos umano ang serye ng “public consultation drives” na isinagawa mula July hanggang October ngayong taon.
Dagdag pa ni Ty, ang rate increase ay makatutulong upang mas mapaigi pa ng Maynilad at Manila Water ang kanilang serbisyo sa kanilang mga customers. Kabilang na dito ang pagpapaunlad ng karagdagang water sources na magtitiyak ng tuluy-tuloy na suplay ng safe drinking water at maging ang makakalikasang waste water services sa loob ng kanilang AOR.
Tiniyak din ni Ty na ang kanilang tanggapan ay magiging tagaoagtanggol ng interes ng publiko sa pamamagitan ng pagtataguyod ng transparency, accountability at citizen participation in governance.