
GANAP nang pinawalang-sala ng Muntinlupa City Regional Trial Court si dating Senador Leila De Lima kaugnay ng kasong droga na isinampa ng Department of Justice (DOJ) makalipas ang anim na taong pagkakabilanggo.
Inilabas ang desisyon ng Muntinlupa RTC Branch 204 kung saan inabswelto si De Lima sa kasong paglabag ng Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na inihain ng noo’y Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Una nang ibinasura ng korte ang isa pang kaso laban sa dating senador bago pa man lumabas ang desisyon ng Muntinlupa RTC Branch 204.
Gayunpaman, mananati sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si De Lima bunsod ng nakabinbing kaso sa Muntinlupa RTC Branch 256.
Naghain na rin ang kampo ni De Lima ng petisyon para makapaglagak ng piyansang magbibigay-daan sa pagwawakas ng mahigit anim na taong pananatili sa piitan.