
Mahigpit na ipinagbabawalan ng Department of Education (DepEd) na gamitin ng mga kandidato sa pamumulitika, ang entablado ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taon .
Niliwanag ni DepEd Assistant Secretary Alma Torio, mas magiging mahigpit ang kanilang tanggapan sa pagbabantay sa mga paaralan sa mga lugar na isilailalim ng Inter-Agency Task Force sa Alert Level 1 at 2, bilang tugon sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering and Partisan Political Activity.
”Unang-una na sinabi ni Torio , ang pagsasagawa ng taunang graduation at recognition rites na kalakip ng End-of-School-Year (EOSY) activities ng mga pampublikong paaralang pinahintulutang magsagawa ng face-to-face year-end program sa mga lugar na halos wala nang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19.
Upang makasiguro, nagtakda ng pamantayan ang kagawaran sa mga pwede lang anyayahan sa mga nasabing aktibidades sa mga paaralan, maging ang paksang pwedeng talakayin ng naimbatahang tagapagsalita sa entablado. Bawal din ang pagpapaskil ng mga streamers, posters at tarpaulins ng mga kandidato – lokal man o nasyunal sa mga lugar kung saan gaganapin ang graduation at recognition rites.
“Schools shall ensure that no election-related paraphernalia, such as streamers, posters, stickers, or other election-related items are distributed or displayed within the school premises or online,” ani Torio.
Paalala pa ni Torio, kailangan pa rin ipatupad ang minimum public health safety protocols tuladd ng pagsusuot ng facemasks, at angkop na distansiya sa hanay ng mga dadalo.