TINUTUGIS ngayon ng Quezon City Police District QCPD ang tumakasna rider na nagpakilala umanong pulisya makaraang makaaksidente ng kapwa rider sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa lungsod na ito.
Ayon kay QCPD director Police Brig . Gen. Redirico Maranan , ipinag-uutos nito na tugisin ang suspek dahil sa kumalat na video ng isang Rayou Carbonel .
Aniya, angkas siya ng rider ng biglang magover-take at mabundol siyang isang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Hindi man lang himinto ang rider bagkus ay mabilis pa nitong pinatakbo ang kanyang motorsiklo upang hindi na makahabol pa ang kanyang naaksidenteng rider rin at managot sa mga danyos .
Nang abutan ng biktimang rider ay agad na naglabas ito ng ID ng isang pulis at saka mabilis uling pinaharurot ang kanyang motorsiklo papalayo sa biktima.
Kaya naman sinabi ng hepe ng QCPD “When the viral news on social media involving a police officer reached my office, I immediately ordered my police to find the identity and thoroughly investigate such incident. In our organization, we never accept such activities. It is our duty to provide fair service with integrity and professionalism to the public. If so, we will not rest until the person involved in this incident is found and held accountable,” .