MAGPAPATULOY ang matagal nang nakabinbing ng Department of Transportation (DOTr) na proyektong Mindanao Railway Project (MRP) sa Davao City, Digos, at Tagum, habang naghahanap pa ng mapagkukunan ng pondo matapos ang kanselasyon ng pampinansiyal na pangako mula sa China.
Sinabi ng Kalihim ng Transportasyon Jaime J. Bautista na ang DOTr ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa Department of Finance sa paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng pondo tulad ng Official Development Assistance (ODA) mula sa iba pang mga dayuhang pamahalaan at pandaigdigang institusyon sa pananalapi.
“We decided to pursue Phase 1 of the MRP despite withdrawal of prior funding commitment from the government of China. While looking for funding sources, various pre-construction activities show we are not dropping the project,” ayon kay Sec. Bautista .
Hanggang sa ngayon, ang mga pagbili ng lupa ay kasalukuyang isinasagawa sa target alignment mula Tagum hanggang Digos sa pamamagitan ng Davao City. Ang mga resettlement site para sa mga na-displace na residente ay nakikilala na rin, na may mga nasa iba’t ibang yugto ng konstruksiyon.
“In fact, the Tagum Train Village is scheduled for turnover to its future residents in the coming months. Livelihood programs are also being prepared for affected families,”.
Sa halagang P81.6 bilyon, ang Mindanao Railway Project Phase 1 ay may haba na 100.2 kilometro na binubuo ng walong istasyon.
Kapag nagsimula na ang operasyon, inaasahang maglilingkod ang riles sa 122,000 pasahero kada araw at babawasan ang oras ng paglalakbay mula Tagum City hanggang Digos City sa isang oras mula sa kasalukuyang tatlong oras.
Ang MRP Phase 1 Tagum-Davao-Digos line ay magpapakatibay sa master rail plan ng pagkokonekta sa buong isla ng Mindanao, ayon pa sa kalihim.
Kapag natapos na ang buong Mindanao Railway Project, ang 1,544-kilometrong sistema ng riles ay magkokonekta sa mga pangunahing probinsiya tulad ng Davao, General Santos, Cagayan de Oro, Iligan, Cotabato, Zamboanga, Butuan, Surigao, at Malaybalay at magpapagalaw sa ekonomikong pag-unlad ng Mindanao.