Skip to content
June 14, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
logo

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Feature
  • ‘Drayberks alerto kada kilometro’ inilunsad ng MPT South ngayong Road Safety Month
  • Feature

‘Drayberks alerto kada kilometro’ inilunsad ng MPT South ngayong Road Safety Month

admin May 22, 2024
DRAYBERKS_TRB_REXBALADJAY
Post Views: 218

INILUNSAD ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang Drayberks Alerto Kada Kilometro road safety campaign, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng taunang National Road Safety Month sa bansa.

Isinagawa ng MPT South ang launching event nito noong Miyerkules, Mayo 15, sa Tas Trans Corporation sa Las Pinas, kung saan dumalo ang aabot sa 50 bus drivers ng nasabing kumpanya, na kadasalang bumabaybay sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX). Dumalo rin sa naturang event ang mga government partners na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Toll Regulatory Board (TRB).

Binigyang diin ng Alerto Kada Kilometro campaign ang kahalagaan ng pagiging alerto ng mga nagmamaneho at pagpapanatili ng pokus sa daan upang masigurong ligtas ang bawat biyahe. Upang maihalintulad sa pagmamaneho, ibinida ng MPT South ang buzz-wire game na idinisenyo para subukin ang alerto ng mga manlalaro. Tulad ng game na ito, isang pagkakamali ay maaaring magresulta sa aksidente o pagkakaroon ng violations sa daan.

Bukod sa mga exciting games, nagsilbi rin bilang wellness day ang naturang event para sa mga drivers. Nakapag relax ang mga dumalo sa iba’t ibang wellness activities habang natututo ang mga ito ng mga road safety tips mula sa mga eksperto.

Katuwang ang Imus Medical Center, nagtayo ang MPT South ng iba’t ibang wellness booth gaya ng free massage, eye check-ups, at basic check ups. Habang ang mga automotive experts naman mula sa Cavite State University (CVsU) ang nagbigay ng mahahalagang impormasyon patungkol sa BLOWBAGETS, isang vehicle maintenance checklist para masigurong nasa maayos na kalagayan ang sasakyan bago i-maneho.

“Upang maging alerto, dapat ay laging mapanuri ang iyong mga mata, dapat ay handa ka sa anumang potensyal na panganib, at dapat ay mabilis kang tumugon sa anumang pagbabago sa sitwasyon ng trapiko,” pagbibigay diin ni Mr. Raoul Ignacio, President and General Manager ng MPT South,”

“Ito ay kick-off event pa lamang ng Alerto Kada Kilometro road safety campaign na magpapatuloy sa buong taon. Prayoridad ng MPT South ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga motorista sa CAVITEX at CALAX. Sa pamamagitan ng mga inisyatibo tulad ng Alerto Kada Kilometro, layun naming magtanim ng kultura ng mapanuri at responsableng pagmamaneho na nagtataguyod ng mas ligtas na mga kalsada para sa lahat,” dagdag ni Ignacio

“Sa ngalan ng aming Executive Director na si Atty. Alvin A. Carullo at ng buong Toll Regulatory Board (TRB), ipinapahayag namin ang aming suporta at pasasalamat sa lahat ng mga organizer at kalahok ng makasaysayang kaganapang ito. Habang tinatahak natin ang landas patungo sa road safety, alinsunod sa United Nations Sustainable Development Code, itinalaga ng Presidential Proclamation No. 115-A ang buwan ng Mayo bilang Road Safety Month. Ang TRB, bilang tagapangasiwa ng lahat ng toll roads, kasama ang mga toll concessionaire at operator, ay nagpapahayag ng aming layunin na mapanatili ang isang ligtas, maaasahan, at maginhawang toll facility, sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa lahat ng expressway na nasa aming hurisdiksyon,” ani Rechillo S. Baladjay, Technical Staff ng Regulation Division, TRB.

“Binabati ko po ang mga organisasyon sa likod ng programang ito sapagkat napakaganda po ng adbokasiya na ito. Alam naman po natin kung ano ang impact ng road crashes. It may cause injury or death, and impact also on financial, as well as psychological, and even permanent disability. And higit sa lahat po (ito) ay number one cause ng traffic congestion sa kalye. Sana marami pang organisasyon at grupo ang magsagawa ng ganitong klaseng adbokasiya,” ani Usec. Procopio G. Lipana, General Manager, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Layunin namin sa pakikipagtulungang ito na makatulong sa pagtaguyod ng safe driving practices at mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada. Ang aming pakikipag-ugnayan ay tututok sa ilang mahahalagang aspeto, kabilang ang edukasyon at kamalayan na magpapaalala sa ating mga driver tungkol sa mga safe driving habits. Bukod dito, makikipagtulungan kami nang malapit sa mga ahensya ng nagpapatupad ng batas upang mahigpit na ipatupad ang mga batas at regulasyon sa trapiko. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtutulungan, makakalikha tayo ng mas ligtas na kapaligiran sa pagmamaneho para sa lahat,” ani John Benedict Santiaguel, General Manager ng Tas Trans Corp.

Continue Reading

Previous: 2 Lucky motorists win brand new SUV from ‘MPTC Happy Holideals Raffle Promo’
Next: Proposed roll-over Internet act, other important bills hurdle second reading

Related Stories

received_1026703186311180_resized_20250611_035639999 (1)
  • Feature

SSS inks agreement with DOH Caraga for social security protection of 200 JO , COS workers

admin June 11, 2025
image001 (8)
  • Feature

SMC bags 2 int’l awards for CSR, sustainability reporting

admin June 6, 2025
zonta2
  • Feature
  • International

Stitching second chances: San Pedro Jail’s Women Artisans inspire ASEAN leaders through handcrafted empowerment

admin May 29, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

pogo-philippines
  • Nation

Anti-POGO bill malapit nang maging batas — Gatchalian

admin June 14, 2025
edcom
  • Nation

Senate, House urge PBBM to form cabinet cluster on education for learning crisis

admin June 14, 2025
Messenger_creation_0030D04A-E867-4A85-9652-B40B9C1EC600
  • Regions

SM Malls in Batangas unite for Brigada Eskwela 2025, championing education, community care

admin June 14, 2025
martin-4
  • Nation

Romualdez hails 19th Congress: ‘We legislated for history, not headlines’

admin June 13, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT