
NAGSAGAWA ng blood donation activity ang Pioneer Clinical Laboratory and Medical Clinic Inc at La Solana Splendido Event Center sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Batangas bilang bahagi ng Malasakit Advocacy .
Sinabi ni Bb. Bhaby Comia ang programa ay may maraming adbokasiya kabilang na dito ang blood donation program, “ sa kasagsagan ng pandemic madaming humungi ng tulong sa amin for the blood kaya namin eto isinagawa. “ Ang benepisyaryo ng mga malilikom na dugo ay ang mga cancer warriors, dialysis patient at lahat na may emergency need.
Ayon pa kay Comia ang mga donasyong dugo ay mapupunta sa Red Cross na siyang mamahala kung saang ospital ipapamahagi.
Kasama din sa programa ang Philippine Airforce na isa sa mga nagbigay ng donasyong dugo, Lyceum of the Philippines Medical Technology Department na siyang tumulong sa blood harvesting. Kasama din ang Bobayaki Snack Bar na siyang nagbibigay ng pagkain sa lahat na dumalo at nag-donate ng dugo.
Inaasahang makakalikom ng isang daan o higit pang bag ng dugo sa nasabing blood donation activity. Marami pa umanong programa ang nakahanay na sa ilalim ng kanila Malasakit Program, katulad ng medical mission sa 2 orphanage, feeding program with the churches, tulong para sa mga matatanda at mga may sakit na mga madre, helping typoon victim, gift giving at marami pang iba.
Dagdag pa ni Ms. Comia hindi ito ginagawa just for show, it’s just happen that multi media like SMNI, Spirit FM and Dyaryo Veritas ay kasama, “kung tutulong ka kasi its should be from the heart” . We choose this advocacy because it’s about blood, and blood always ignis life, and because it’s Lenten Season it’s the best time to show sacrifices.”