
Inanunsiyo na ng religious group na El Shaddai ang pagsuporta kay dating Philippine National Police Chief PNP Chief Gen.Guillermo Eleazar na tumatakbo sa Senado ngayong darating na halalan 2022.
Naganap ang pagpapakilala kay Eleazar nitong nakaraang Sabado ,Pebrero 12 sa pagtitipon sa Paranaque City na pinamumunuan ni Bro.Mike Vlarde.
Sinabi ni Velarde na “Kailangan ang pagkakaisa sa paghalal sa mga susunod na lider ng bansa. Isa aniya ito sa kahulugan ng kasabihang Latin na “Vox Populi, Vox Dei.”
Aniya,”Ang halal ng taumbayan ay ang Diyos ang may halal. Hindi tayo basta pipili ng sinuman kailangan na ang pipiliinili natin ay maliwanag, kasing liwanag ng tanghaling tapat,”
Nagpasalamat si Eleazar kay Bro. Mike para sa pagtitiwala at pagkilala sa kanyang mga kwalipikasyon upang makapagsilbi nang tama sa mga Pilipino bilang senador.
“Nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinigay ni Bro. Mike Velarde sa aking kakayahan na patuloy na maglingkod sa ating mga kababayan. This is a major source of strength as I pursue my commitment to serve the Filipino with dignity and integrity,” ani Eleazar.
Dagdag pa nito,tiniyak ni Eleazar na tutulong siyang pabutihin ang peace and order, na aniya’y kailangan ng anumang bansa upang makamit ang pag-unlad. Kailangan din aniyang maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na sila’y ligtas sa mga lansangan, komunidad, at sa kanila mismong mga tahanan.