HINATULAN ng 56 taong pagkabilanggo ang hatol ng Sandiganbayan kaugnay ng katiwalian sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng isang dating kongresista .
Bukod kay former Leyte 3rd District Rep. Eduardo Veloso, gayundin ang hatol na inilabas ng Sandiganbayan First Division laban kay legislative liaison officer Rosalinda Lacsamana ng binuwag na Technology and Resource Center (TRC).
Batay resolusyon ng mga mahistrado, napatunayan may sala ng alinlangan sina Veloso at Lacsamana ng 2 counts sa kasong graft at 2 counts rin para sa malversation.
Nag-ugat ang asunto sa maling paggamit ng P24.2 milyong halaga ng nasungkit na pork barrel sa ilalim ng administrasyon ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Isa sa mga batayan ng hatol ang dokumentong isinumite taong 2017 ng Office of the Ombudsman kung saan lumalabas na ang dating kongresista mismo ang humiling sa TRC na gawing benepisyaryo ang Aaron Foundation sa mga programa at proyektong kalaunan ay napag-alamang pawang mga ghost projects lang.
Inihain rin ng Ombudsman bilang patunay ng alegasyon laban kay Veloso ang Commission on Audit (COA) report na nagsasabing walang kakayahan ang inirekomendang foundation na magsakatuparan ng proyektong higit pa P68,000 capital stock contribution batay sa record ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Bukod sa mahabang bakasyon sa [iitan, inatasan rin ng Sandiganbayan sina Veloso at Lacsamana na ibalik sa gobyerno ang P24.2 milyon.
Samantala, abswelto naman sa kaso ang mga kapwa akusadong sina Dennis Cunanan, Francisco Figura at Marivic Jover ng TRC.