PINAG-AARALAN na ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng limited physical End-of-School-Year (EOSY) rites para ngayong School Year 2021-2022.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maaring isagawa ang graduation rites sa mga eskwelahan depende sa sitwasyon ng corona virus sa bawat rehiyon sa buong bansa
“Yung risk assessment natin sa mga different regions, sa mga different schools ay nag-improve.
Pag nag tuloy-tuloy ito, the chances of being allowed to conduct face-to-face graduation also increases.
Sunod-sunod yan pag nag-opening ka ng classes, nag face-to-face (classes) ka, physical graduation rites are also possible,” ani ni Briones .
Ang hope lang natin, maabutan ng graduation season natin na hindi naman abutan ng hindi magandang balita (increase in COVID cases/alert level) kung may biglang pagbabago,” dagdag pa niya.
Ang Office of the Undersecretary for Curriculum and Instruction (OUCI) ay nagpaplano na sa gagawing physical graduation rites at mga guidelines.
Yung tanong na kung possible ang face-to-face graduation? Siyempre po kasi nga pinayagan na ang limited face-to-face, so ang ibig sabihin posible na rin yung limited face-to-face graduation ceremonies,”dagdag pa ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado M. San Antonio .
“Kami sa Curriculum and Instruction Strand ay nag-uusap na ng magiging guidelines.