Upang maisakatuparan ang patuloy na pagdadala ng mga produkto ng mga magsasaka sa Calabarzon papunta sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Orientation on the Food Lane Project (FLP), sa Lipa City, Batangas noong ika-22 ng Nobyembre.
Ang Food Lane Project ay isang programa na pinamamahalaan ng DA, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ipinaalam sa mga dumalong 73 na may ari ng mga sasakyan at mga tauhan (Drivers), ang mga panuntunan sa aplikasyon at akreditasyon ng mga kompanya na kabilang sa nasabing proyekto.
Tinalakay sa pagpupulong ang FLP na ibinahagi ni DA-4A AMAD Assistant Division Chief G. Justine Vivas; at mga tungkulin at parte ng MMDA, PNP, at DILG na pinangasiwaan nina MMDA Deputy Chief for Operations G. Miguel Panal, PNP PCMS. Lian Manalo, at DILG Bureau of Local Government Supervision Local Government Operations Officer V Engr. Emelita Danganan. Ayon kay Gng. Editha M. Salvosa, Pinuno ng AMAD, na malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga kompanya, operators, at drivers upang masiguro na maganda ang daloy ng agri-fishery na mga produkto. Pinaalalahanan din niya na ang akreditasyon sa FLP ay hindi rason upang hindi na sundin ang iba’t ibang panuntunan at batas trapiko