MULI na namang sisigla ang turismo sa bansa pagsapit ng unang ng araw Abril dahil sa bubuksan na ito sa mga dayuhang banyaga .
Inaprubahan na nang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang matagal nang panawagan ng sektor ng turismo na lubhang naapektuhan dahil sa dulot ng pandemya.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ,“Starting April 1, pumayag na ang IATF na all countries na ang papayagan dito.
Noong February 10, nagbukas tayo for visa-free countries. Starting April 1, for all countries,” .Nitong buwan ng Pebrero nang unang buksan ang bansa para sa “business and leisure travelers” mula sa 157 estadong pasok sa kategorya bilang visa-free countries.Kaya naman sa unang araw ng Abril ay mas pinalawig ang talaan ng mga bansang maaring makapasok sa Pililipinas,dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso ng Covid-19.
Batay rin sa resolusyon , tanging mga bakunadong dayuhan lang ang pinapayagang makapsok.Kailangan din makapagpakita ng negative COVID-19 RT-PCR test result na pati na sila’y nasuri 48-oras bago ang biyahe patungo sa Pilipinas.
“Ang importante dito sa lab-based antigen as it captures those that continue to test positive but recovered already,” dagdag pa ng kalihim. Sa tala ng kanyang departamento, pumalo na sa 96,096 ang kabuuang bilang ng mga dayuhang turistang dumating sa bansa mula nang magpasya ang gobyernong ibaba sa Alert Level 1 ang mga lugar kung saan halos wala nang naitalang positibo sa COVID-19.
“From February 10 to March 15, we’ve already received 96,096 tourists. So close to 100,000 na tayo na tourists. We’re pleasantly surprised, at least tuloy-tuloy na.And this is only from visa-free countries,” pahabol pa niya.