Manila – Pumasa sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang isa pang priority legislation na inilatag ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Ang pagapruba ay sa pamamagitan ng “viva voce” o voting o ang pagboto pasalita, at ang House Bill 6509 o pagbibigay ng libreng legal assistance ang mga uniformed personnel na makakasuhan ay pinagtibay sa ikalawangng pagbasa.
Saklaw ng naturang panukala ang criminal, civil, o administrative proceedings na nagmula sa service-related incidents.
Pasok sa libreng legal assistance ang mga unipormadong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP).
Binibigyang mandato rin nito na pagtibayin at palakasin ang legal offices ng AFP, PNP, BJMP, BFP, at PCG nang sa gayon ay makabuo ng sapat, epektibo, at libreng legal assistance sa mga qualified personnel.