Gasolina tataas muli ngayong Oktubre 31

INAAASAHAN na ang muling pagtatataas ng gasolina  bukas Martes , Oktubre 31  .

 Bababa naman ng P1 kada litro sa presyo ng diesel at kerosene.

Nasa p0.45 kada litro ang itataas sa presyo ng gasoline  ayon sa Seaoil at Shell Pilipinas.

Habang mababawasan naman ng P1,25 kada litro ang presyo ng diesel at p120 kada litro naman sa kerosene.

Maguumpisa ito bukas araw ng Martes simula alas 6 ng umaga.

Sysysnod na ring magpapatupad ng price adjustments ang cleanfuel at PTT Philippines  simula 12:01 ng umaga ng October 31.hindi naman kabilang rito ang kerosene.

Susunod na rin ang Jetti , Martes ng alas 6 ng umaga habang ang ilang kompanya ng langis ay wala pang abiso.

Naging dahilan ng pagbabago sa produktong petrolyo ay dahil sa diplomatic efforts sa Miiddle East  at apektado rin ng halaga ng pagtaas ng  dolyar .

Sa talaan mula ang sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng krudo ay umabot na sa P13.75 kada litro ang itinaas ng gasoline habang P11.70 naman sa diesel  at P6.24 kada litro sa kerosene.