BIGLANG tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit ng gastroenteritis o diarrhea sa Baguio City nitong Miyerkules, kahapon , kaya naman idineklara ni Baguio City na si Mayor Benjamin Magalong ang outbreak sa lungsod.
Umabot na sa 1,761 katao ang nagkakasakit sa loob ng tatlong linggo sinula buwan ng Enero ngayong taon.
Naitalang pinaka marami ang nagkasakit noong unang linggo ngayong buwan sa mga lugar ng BLISTT (Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, Tublay).
Nakaranas ang mga ito ng pagdurumi , pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Hinala ng mga otoridad na galing ang sakit sa marumi o kontaminadong tubig ang kanilang nainom na naging dahilan ng pagtaas ng kaso ng diarrhea.
Sa ngayon ay hinihintay ang resulta ng mga pagsususri sa mga nakalap na water samples sa lugar.
Payo naman ng City health office na purified o bottled water muna ang inumin.