Nagtipon ang mga lider- kabataan mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa upang talakayin ang mga isyu kaugnay sa climate change at iba pang usapin kaugnay nito.
Ito ay inorganisa ng Climate Change Commission bilang bahagi ng kanilang mandato alinsunod sa Presidential Proclamation 1667 series 2008 na pamunuan ng CCC ang paggunita sa Global Warming at Climate Change Consciousness Week tuwing November 19 hanggang 25 na naglalayong itaas pa ang kamalayan hinggil sa climate change.
Samantala, hinimok at hinamon naman ni CCC Vice Chairman at Executive Director Robert Borje ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing may kinalaman sa climate change.
Sabi ni Borje, importante na lahat ay may kapasidad na maintindihan ang climate change. Yung alam ninyong mga kabataan ngayon, yan ang tutulong sa inyo para magdesisyon
Paliwanag pa niya, importante ang agham o siyensa dahil dito dapat nakasalalay ang bawat desisyon at aktibidad para labanan ang mapaminsalang epekto ng climate change.