BALIK na muli sa pwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ngayong araw, November 6 matapos ang suspension sa kanya ng Malacanang dahil sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensiya.
Kinumpirma ito ni Department of Transportation (DOtr) Secretary Jaime Bautista makaraang lumabas a ang Special order no.2023-380 noong Nobyembre 3.
Nakasaad sa order ang Reinstatement of Assistant Secretary Teofilo Guadiz as Land Transportation Franchising and Regulatory boards9LTFRB) Chairperson , Guadiz’s return to office will be effective this Monday , November 6 .
Base din sa kautusan , binawi ng DOtr ang designasyon ni LTFRB Board Member Atty. Mercy Leynes , bilang OIC ng LTFRB.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcoz Jr. ang suspensiyon kay Guadiz matapos ang pagbubunyag ng kanyang dating executive assistant na si Jefferson Tumbado ang “Ruta for sale” scheme sa mga public utility vehicle operators na nangbabayad ng P5 milyong piso sa loob ng ahensiya upang makakuha ng ng ruta, prangkisa o special permit.
Nabanggit rin na sangkot sa korapsyon si Bautista, na kaagad naman niyang pinabulaanan.
Makalipas ang ilang araw ay binawi din ni Tumbado ang kanyang mga alegasyon sa ahensiya at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa sama ng loob kay Guadiz.
I